Tuesday, January 16, 2018

SKYRANCH - BATANGAS











































































We have reached the sky.  We will reach heaven soon either sa RAPTURE o kapag nais na ng Diyos ay marating na namin ang langit na bayan.

NAKAKAIRITA

Sabi nila masayahin daw ako.  Madaling pakisamahan.  Mapagbigay. Matulungin.  Maawain.  Mabuting kaibigan.  Palaging nakikiramay.  Mapanlibre.  Pero hindi naman puro magagandang katangian lang aking taglay.  Marami ding mga bagay na di maiibigan sa akin ng tao.  Yung ibang pangit sa buhay ko ay napagtagumpayan ko na subalit ang iba ay naroon pa rin na aking pinaglalabanan at pinagsisikapan na baguhin sa biyaya ng Diyos.  Marami pang dapat baguhin sa buhay ko.  I am not there yet but I am getting there.

Maaaring di ka sangayon sa mga ibabahagi ko dito at maaaring para sa iyo ang mga ito ay kababawan lamang o walang kwenta at walang saysay.  Pero ito ako.  Mas makabubuti na ibahagi ko ito upang ako ay maunawaan ng mga taong nakakasalamuha ko araw-araw at para ako ay lubusang makilala din.  After all I am a public figure pero hindi sa buong mundo -- sa karamihan lang.  Mas mainam na ipakita ko kung ano ako kesa naman tago tapos magugulat pa ang tao na ganun pala ugali ko.  Kung baga sa ano ay take it or leave it.  Love me or hate me.  It is entirely up to you.  Pero sana you would focus on the good side of me.  Kasi kapag sa bad side ka nagfocus sa akin you will be so much disappointed.

Ako ay kwarenta y otso taong gulang na.  Pero at times ay parang teenager pa rin ako.  Madalas nga na sabihin ko sa mga nagiinterview sa akin recently noong nagaaply ako ng trabaho "I am a young man trapped in old man's body".   48 years pero feeling young ha ha ha.

Ito ang mga bagay na napansin ko na madalas ay nakakapagpairita o nakapagpawala sa akin ng magandang mood o madalas ay ikinagagalit ko:

1.  Kapag ang kausap ko ay walang reaksyon.  Kapag di ko alam kung sangayon siya o hindi sa aming pinaguusapan pakiramdam ko nakikipagusap ako sa isang tuod.  Pwede naman sumagot na di po ako sangayon sa sinasabi nyo.  Pwede din naman na isagot na sangayon ako.  Pwede din naman sabihin na pagiisipan ko po.  At pwede naman sabihin na palagay ko di ko magagawa yan.  Salamat po sa inyong suhestiyon.  Sa bandang huli kasi ikaw pa rin ang magdedesisyon para sa sarili mo.  Ang sa akin ay suhestiyon lamang.  Walang pilitan.

2.  Kapag tinutulugan ako habang nagmamaneho.  Pakiramdam ko ako ay tsuper.  Pero ang totoo niyan bahagi ng "ministry" ang aking pagmamaneho.  Subalit ang taong sasama sa akin dapat di ako tutulugan.  Mas gusto ko na siya ay palatanong.  Mas gusto ko na naguusap kami tungkol sa ministry o anything under the sun.  Kapag kasama kita sa pagmamaneho at ako ay tinulugan mo lamang ay bakit sumama ka pa?

3.  Kapag ako ay tumawag sa phone dapat sagutin.  Kung di masagot ay mag "return call".  Kapag tinawagan kita ibig sabihin importante ka sa akin.  Ibig sabihin din ay importante ang sasabihin ko.  Hindi ako tatawag para makipagkwentuhan lamang.  Di ko ugali ang mag "miss call",  Kapag tumawag ako at di nasagot aasa ako na merong "return call" kahit delayed na ang return call maaapreciate ko yun.  Applicable din ito sa messages sa FB, whatsapp o email. 

4.  Kapag may inutos ako maghihintay ako ng "feedback" sa lalong madaling panahon.  Hindi naman kailangan agad-agad.  Pero maghihintay ako ng resulta sa aking inuutos.  Nagawa man o hindi, positibo man o negatibo dapat may feedback. 

5.  Hinahanap ko sa tao ang pagiging mapagpasalamat.  Ako yung tipo na tao na gagawin ko ang lahat para sa iyo kahit mahirap, malaki man o maliit gagawin ko.  Pero pagkatapos nais ko ay makatanggap ng "thank you".  Bakit?  Dahil nagpapaimportante ako?  O pinagmamalaki ko ang ginawa ko na dapat iacknowledge mo?  Hindi yan ang dahilan.  Ang dahilan ay nais ko na ang tao mailagay sa puso niya ang maging mapagpapasalamat sa lahat ng bagay.  Una sa Diyos at pangalawa sa kapwa.  Ang paghahanap ko ng thank you mo ay di para sa akin kundi para sa iyo.  Nais kong maging mapagpasalamat ka.

6.  Magtanong kung di alam ang gagawin o kung di sigurado ay linawin.  Ayaw ko na gagawin ang isang bagay tapos di naman sigurado kung tama ang ginagawa.  Pwede naman magtanong sa akin kung di sigurado o kung di alam ang gagawin.  Kesa naman gagawin ang isang bagay pero palpak naman.

7.   Insensitive.  Walang pakiramdam.  Lumaki ako sa piling ng mga tao at kahalubilo sila.  Natuto ako na pakiramdaman o maging sensitibo sa kalalagayan ng isang tao.  Kaya nga madalas ay di pa nagsasabi sa akin ang isang tao ay alam ko na ang problema niya at kahit di siya magsalita ako ay gagawin ko na kung ano ang tama at makakatulong sa kanya kahit di niya hilingin.  Dahil ganito ako ay nasasaktan ako ng husto kapag ang mga taong inaaakala kong malapit sa akin ay insensitibo sa aking kalalagayan.

8.  Kuripot.  Alam ko kung ang tao ay meron o wala.  Pero kapag alam ko meron pero nagkukuripot lalo kapag kasama sa grupo tapos may gastos ay ayaw dumukot ay di ko naiibigan yan.  Pero kapag alam ko na wala ang isang tao ako mismo ang sasagot sa kanya. 

9.  Mapagpamahal daw o concern..  Di ako naniniwala na ang tao ay nagmamahal o concern kapag ito ay di pinapakita sa gawa, aksyon o salita.  Walang saysay para sa akin ang pagmamahal na di nakikita sa gawa o salita.

10.  View lang.  Kapag may announcement o post na napakahalaga o importante pakiramdam ko ang isang tao ay walang concern o walang pakialam kapag view lang siya.  Di ko tatanggapin na kaisa siya sa panalangin (kung prayer request ang post) kung view lang siya walang like o comment.

11.  Kapag nagkamali magsorry kaaagad o humingi ng tawad.  Lahat naman tayo ay di perpekto.  Magkakamali at magkakasala pero dapat madali din himingi ng sorry, tawad at willing din at madaling din magpatawad.  Di ko naiibigan kapag ang tao na nagkamali ay di agad-agad na aamin sa pagkakamali at hihingi ng paumanhin o tawad.  Tanggap ko naman na di perpekto ang tao pero dapat mabilis siya sa pagkilala ng kanyang pagkakamali at humingi kagad ng tawad o paumahin.

12.  Personal over material.  Mas nais ko ang personal na bati sa email, tawag, o card, o text kesa sa mga regalo na material.  Ito ay kapag kaarawan ko.  In fact ayaw ko naman ng selebrasyon.  Kahit wala yan.  Ang mahalaga ay nabati ng personal.  Mas gusto ko kasi ang ako ang magbigay kesa sa ako ang bigyan. 

13.  Sinungaling.  Kapatid nang magnanakaw ang sinungaling.  At ang ama ng sinungaling ay ang Diyablo.  Maraming problema sa mundo dahil sa pagsisinungaling.  Maraming nasirang relasyon dahil sa pagsisinungaling.   Maraming tao ay lugmok sa problema dahil sa kasingungalingan.  Maraming tao iniiwasan ng tao dahil sa kasinungalingan.  Ako ay may kakayanan na alamin kung nagsisinungaling ang tao o  hindi.  Hindi ko man ito mabuking kagad pero malalaman at malalaman ko kung ang isang tao ay nagsinungaling o hindi.  Walang kapayapaan sa isip at puso ng isang tao na sinungaling.  At kung di siya Kristiano ay sa impiyerno ang bagsak ng taong sinungaling.  Nasa pang-13 ang punto na ito pero sa lahat dito kumukulo ang aking dugo.  Para sa akin ang PALUSOT ay mas masahol pa sa sinungaling.  Totoo.

Alam ko aani ng iba't ibang reaksyon ang pagsulat ko nito.  Negatibo man o positibo okay lang yan.  Ang mahalaga pinapakita ko kung ano ang ayaw ko.  Di mo magawa yan maiinis ako pero let me tell you this:  MABILIS MAWALA ang aking PAGKAINIS.  Kapag di na kita kinikibo ng isang buwan ay ibig sabihin malaki ang problema ko sa iyo he he.  O wag magalit sa aking post na ito.  Blog ko ito.  Ito ay personal kong paniniwala.  Iginagalang ko rin ang personal mong paniniwala.  Sa dulo naman ang nais natin ay maging maganda ang ating relayson.  Maaarming mali ako pero kapag ako naman ang nagkamali makakaasa ako agad agad ako ang hihingi ng paumanhin o patawad.

Blessings be unto you!

Wednesday, January 10, 2018

Familia


Si Monet malusog.  Si Kuya Jeck sargo ang nguso pero makulit pa rin.  Bakit sargo ang nguso?  Si JC ay lito -- sakit daw ng ulo, pero cute naman. Si Janet di halatang poklat :).   Malusog ding di hamak ang aming ina, iyan ay sa kabila ng hirap na kanyang pinagdinaanan.  Di birong hirap.  Masakit sa puso.  Ikaw ba naman ang magtaguyod ng mga anak na magisa lamang kasi ikaw ay iniwanan ng asawa.  Kaya naman puso din ang naging dahilan ng kanyang pagpanaw - Heart Attack.  Pero ang kagandahan ay sinikap naming magkakapatid na bigyan ng magandang buhay ang aming ina.  Di super ganda pero alam ko nadama niya ang aming pagmamahal sa kanya noong siya ay nabubuhay hanggang sa kanyang huling hininga.

Ang pinaka di ko malilimutan na alala ng aking Ina ay yung nakatanggap ako ng voice tape mula sa aking mga kapatid at siya ay nagsalita doon.  Nasaan na nga ba ang voice tape na yun?  Anyway, doon ay sinabi niya na ginawa na niya ang matagal ko nang pinakihihintay -- ang kanyang pagpapabautismo.  My mother was baptized by Calvary Baptist Church - FEMA Road.  I can't remember kung narebautismo siya sa UP Mission.  Naaalala ko nagmamaneho ako noon sa Riyadh pauwi sa aking bahay ng pinapakinggan ko ang tape na iyon.  Siyempre naiyak ako.  Sino ba naman ang di maiiyak eh yun naman ang nais ko-- nais naming lahat ay yakapin na ni Mama ang buhay pananampalatayang Baptist.  Isa siyang sarado Katoliko.  Tapos regular na binibisita at dinodoktrinanan ng mga Saksi ni Jehovah subalit sa biyaya ng Diyos ay dumating sa kanya ang tunay na kaligtasan.  We are thankful to the Lord.  Di man kami mayaman dito sa lupa at di namin naparanas sa aming ina ang karangyaan ay naibahagi naman namin sa kanya ang kaligtasan na meron mula kay Hesus.  Yung ang pinakamahalaga. 

Higit na mas mainam at maganda kung ang bawat miyembro ng ating pamilya ay nakay Kristo upang di lamang dito magkakasama kundi pati sa langit din pagdating ng panahon.  Salamat sa Diyos majority sa aming mga magkakapatid ay nakay Kristo na.   Di naman  kami perpekto.  Nagkakamali.  Nagkakasala pa rin.  May kahinaan.  Pero merong katiyakan ng buhay na walang hanggang.  Ngayon ay nagsusumikap na maglingkod sa Diyos sa Kanyang Iglesia bilang pagsunod sa Kanyang kalooban.

Missing JC -- nasa Marawe.  Missing Tonton -- Nasa Bicol.  Missing Mel -- nasa UP.  Missing my two half brothers -- nasa UP at sa Marikina. 

We are family.  Not just family here.  We are in God's family.  Alam ko darating ang panahon lahat kaming magkakapatid.  Papuri kay Hesuskristo. 







Sunday, January 7, 2018

PAGMULAT AT PAGBABAGO



Katatagan.  Katapangan.  Pananampalataya.  Pagtitiwala.  Pagpapakumbaba.  Panguunawa.  Lahat ng yan ay sinusubok.  Kailangan pagdaan ang lahat upang suriin ang sarili at halughugin ang kaibuturan ng puso.  Pagkatapos ay magsisi --humingi ng tawad.  Punuuan ang pagkukulang.  Itama ang mali.  Matuto.

Para sa ikabubuti ang lahat.  Ito rin ay magpapamulat sa katotohanan.  Ibinababa kung minsan upang sa pagkakababa si Kristo ay itaas.  Minsan kailangan pang hubadan upang muli ay saplutan.  Saplot na puti, malinis, dalisay.  Lahat ay kinuha upang ibalik ng mas madami. 

Akuin ang responsibilidad. Tanggapin at harapin ang hamon.  Magtatagumpay.  Bukas ang puso.  Susunod.  Magpapasakop.  Luluhod.  Pipikit.  Pagmulat tatayo.  Bagong tao.  Sa Diyos ang kapurihan sa dulo.

"At hindi lamang gayon, kundi naman nangagagalak tayo sa ating mga kapighatian na nalalamang ang kapighatian ay gumagawa ng katiyagaan; At ang katiyagaan, ng pagpapatunay; at ang pagpapatunay, ng pagasa: At ang pagasa ay hindi humihiya; sapagka't ang pagibig ng Dios ay nabubuhos sa ating mga puso sa pamamagitan ng Espiritu Santo na ibinigay sa atin."  - Mga Taga-Roma 5:3-5

Thursday, December 28, 2017

UGAT NG BUHAY AT KALAKASAN

So many times, when things get tough, we bail out because we are not firmly rooted.  Only those who are well rooted in the faith can survive and strive. Just like a tree we may lose some of our leaves 🍃 and branches but if we've got roots deep enough we can still hang on.

I am going to handle this Bible Study Series.  My objective is to get the brethren deeply rooted in their faith.

I am going through difficult times this past two weeks but it's the Lord and His word that keeps me strong.  Mahirap ang mundo (calling pala) na aking ginagalawan subalit sa biyaya ng Diyos alam ko matatapos ko ang aking pawagan hanggang sa huling hininga at hanggang sa ang natitirang lakas ay naubos na.  Thank you Lord Jesus.  Sa Iyo at sa Salita Mo naguugat ang aking kalakasan at buhay.

May God be glorified and may our fruit 🍉 abound and our hearts filled with thanksgiving.

-PJ




Wednesday, December 27, 2017

GOD SENT HIS SON

I John 4

He that loveth not knoweth not God; for God is love.
In this was manifested the love of God toward us, because that God sent his only begotten Son into the world, that we might live through him.
10 Herein is love, not that we loved God, but that he loved us, and sent his Son to be the propitiation for our sins.
11 Beloved, if God so loved us, we ought also to love one another.
12 No man hath seen God at any time. If we love one another, God dwelleth in us, and his love is perfected in us.
13 Hereby know we that we dwell in him, and he in us, because he hath given us of his Spirit.
14 And we have seen and do testify that the Father sent the Son to be the Saviour of the world.
15 Whosoever shall confess that Jesus is the Son of God, God dwelleth in him, and he in God.
16 And we have known and believed the love that God hath to us. God is love; and he that dwelleth in love dwelleth in God, and God in him.
17 Herein is our love made perfect, that we may have boldness in the day of judgment: because as he is, so are we in this world.
18 There is no fear in love; but perfect love casteth out fear: because fear hath torment. He that feareth is not made perfect in love.





CHOOSING THE PRESENT WORLD

2 Timothy 4:10 For Demas hath forsaken me, having loved this present world, and is departed unto Thessalonica; Crescens to Galatia, Titus...