
Ako ay born again (Baptist). 1987 ng ako ay iligtas ng Panginoong Hesus.
Ginamit ng Diyos ang isang Arwin Sumatra upang ako ay makakila kay Hesus. Si Arwin kagaya ko ay miembro din ng UPIS Volleyball team. Inimbitahan ako ni WeeWee (palayaw ni Arwin) na sumali sa volleyball team ng kanilang Church. Sumangayon ako at tinalo namin ang mga team ng ibang baptist churches at naiiuwi namin ang kampeonato.
Simula noon hanggang sa ako ay naging aktibo sa pagdalo sa mga worship services ng UP Bethany Baptist Church (UPBBC). Nagpabautismo ako, at di katagalan ay naihalal na Young People President ng UPBBC. Ako din ang naging opisyal na songleader ng simbahan. Di rin naglaon ay nagbitiw ako sa aking trabaho upang maging fulltime volunteer worker sa simbahan.
Ngunit may ibang plano ang Diyos. Kinakailangan kong magtransfer ng membership sa Calvary Baptist Church in Munoz, QC. Ilang taon ako naging aktibong miembro ng simbahan na ito. Dito ako lumago at nagkaroon ng malalim na kaalaman on doctrines of grace. But then again the Lord led me to join another church. Ang pinakahuli nga ay ang Park Baptist Church and Missions. Dito ako naordain as Deacon and later on ay naging Missionary Pastor sa gitnang silangan. Sa ngayon ang mission work sa Jeddah ay may humigit kumulang na 30 miembro. Ito ay sinumulan noong 2008.
Napakabuti ng Diyos. Iniligtas Niya ako at inilagay sa puso ang maglingkod sa Kanya. Di ko ninais na maging pastor sapagkat ako ay di karapatdapat. Ako ay makasalanan subalit ng tawagin ako ng Diyos tungo sa kaligtasan di ko inakala na tatawagin Niya rin ako upang maging lingkod Niya bilang isang missionary.
Ako ay sa kasalukuyang nagsisikap sa biyaya ng Diyos at sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu na maglingkod sa Diyos. Hindi madali ang maglingkod subalit ang Diyos din naman ang magbibigay ng kalakasan upang magampanan ko ang Kanyang dakilang panawagan.
Amen.