ka na magalala sa akin. Uuwi ka pa ng March di ba? Kahit sinabi mo na di ka na makakauwi sa taong ito, dahil next year ka na uuwi."
Yan ang mga salita na narinig ko kay Mama noong huli ko siyang makausap noong buwan ng Pebrero ng taong ito.
Tatawagan ko sa ulit siya sa darating na Linggo kasi mother's day na kaso di na pwede. Wala na si Mama kasi kinuha na siya ng Diyos sa langit noong Marso 4, 2012.
Iba pala ang pakiramdam kapag mother's day tapos wala ka ng nanay? Parang ang bigat iselebreyt. This is the first time that I am celebrating the Mother's Day without my mother. Sandali nga muna punasan ko muna ang luha sa mga mata ko na tumutulo sa aking unan habang tinitipa ko ito.
I will pray na lang to God na sabihin nya sa Mama ko na miss na miss na miss ko na siya, at mahal na mahal ko siya. Hirap naman nito di maubos ang luha ko, patak ng patak eh.
Sa lahat ng makakabasa ng blog kong ito, yakapin nyo ng mahigpit at halikan ang iyong mga nanay sa araw ng Mother's day. Ipadama nyo how much you love them kasi time will come na di nyo na magagawa yan sa kanila.
To my mother: HAPPY MOTHER'S DAY. I am sure you are HAPPY today kasi na sa langit ka na kung saan walang katapusan ang kaligayan. I LOVE YOU!
Ang ganda mo sa violet Mama. Hayan ha kumpleto ang picture mo kasama lahat ng mga anak mo. Maghahanap ako ng picture nyo ni JC.
No comments:
Post a Comment