Wednesday, December 19, 2012

Orasan Ng Buhay

Parang kailan lang pero ngayon heto isang taon na naman ang nadagdag sa aking buhay.  Maraming Salamat sa aking Panginoong Hesus sa lahat ng biyaya, pagsubok at mga pagtatagumpay.  Salamat sa Dios sa Kanyang dakilang  pagibig, katapatan at kaligtasan. Salamat sa Dios sa aking mga magulang (Ramon at Lita) na bagamat wala na sa piling namin ay instrumento kung bakit ako ay narito sa mundo.  Salamat sa Diyos sa mga kaibigan ko na tapat.  Salamat sa Diyos sa PBCM at PBMJ at sa lahat ng mga kapatiran na sumusuporta sa aking Ministry.  At salamat sa Dios sa aking mabuti at mapagmahal na asawa (Gene) at dalawang bagamat makukulit ay napakamalambing na mga anak (Yeira at Goye).

Alay kong patuloy sa Diyos at sa ministry ang aking buhay.  Nawa'y pagpalain Niya ako ng kaalaman, kalakasan, at kagalakan habang ako ay naglilingkod sa Kanya.

Di ko alam kung tama ba na batiin ko ang aking sarili.  Okay lang siguro kaya: HAPPY BIRTHDAY TO ME! Tuloy ang Buhay sa biyaya ng Diyos.

Ang bilis talaga na lumilipas ang panahon pero salamat kapiling ko ang aking mahal na asawa habang umaandar ang orasan ng aking buhay.




(Jeck and Gene)




CHOOSING THE PRESENT WORLD

2 Timothy 4:10 For Demas hath forsaken me, having loved this present world, and is departed unto Thessalonica; Crescens to Galatia, Titus...