Wednesday, March 14, 2018

CHOOSING THE PRESENT WORLD

2 Timothy 4:10

For Demas hath forsaken me, having loved this present world, and is departed unto Thessalonica; Crescens to Galatia, Titus unto Dalmatia.

Madalas naman na ang isang Kristiano ay tinalikuran ang gawain dahil mas pinili at inibig ang mundo kesa sa Diyos.  This was the case of Demas.  I am trying to compare the world during the time of Demas with our present world.  I am startled because the world then compared to our world now ay napakalaki siguro ng difference.   Parang mas madali ang tumalikod ngayon kesa noon kung ang mundo noon at mundo ngayon ay ipagkukumpara.  
Ang aking konklusyon ay ang mundo ay lalong nakakahahalina at nakatutukso,  pero ang puso ng tao ay di nagbabago.  Ganun pa rin ito.  Pipiliin nya pa rin ang mundo kesa sa Diyos at ministry.  Hindi lamang yan kadalasan ay tayo ang gumagawa ng sarili nating mundo na siyang nagtutulak sa atin na talikuran ang gawain.

Nawa ay kahabagan tayo ng Diyos na kahit na anong meron ang mundo na kayang ibigay sa atin ay mas piliin pa rin natin ang maglingkod sa Diyos.  Paalala na ang mundong ito at ang mundo na ating ginagawa ay lilipas pero ang ating mga pagpapagal sa Diyos ay di lilipas kung ginawa ito ng ayon sa Kanyang Salita at ng may pagibig.

Love for God vs. Love for this World.  It's always been the case.

CHOOSING THE PRESENT WORLD

2 Timothy 4:10 For Demas hath forsaken me, having loved this present world, and is departed unto Thessalonica; Crescens to Galatia, Titus...