Saturday, February 16, 2008

Mama - Ang butihin ina na nagbigay buhay sa akin.

Five years old pa lang ako when my parents got separated. I remember, although I chose to stay with my mother but later on walang nagawa ang mother ko kundi ipaubaya ang pagpapalaki sa akin at sa kapatid kong sumunod sa akin sa aming ama. Madalang pa sa patak ng ulan na magkasama kami ng mother ko.

It was only during my college days na nagkasama ulit kami ng mother ko sa iisang bubungan. Kaso naman dumating naman ang chance na magabroad kaya hayun nagkahiwalay na naman kami.

Pinagsisisihan ko na napaiyak ko ng ilang beses ang aking ina. Yes, I broke her heart several times and I wish I never have done it. Dala lang siguro ng immaturity ko noon kaya nagawa ko iyon sa mother ko. Pero it will never happen again. I vow to make her happy now that I know na kokonti na lang ang mga araw na pinapahiram ng Diyos para makapiling pa namin siya.

Matagal din akong di nakauwi sa bansa natin kaya ng magkita ulit kami ng mother ko noong January 21 ay di niya napigilan ang lumuha. Ang sabi niya sa akin, "narito ka na si JC wala pa". Ah si JC... well, i will dedicate a separate post for JC. Sa mother muna tayo ngayon. To continue... syempre di ko mapigilan na di rin maiyak. Alam ko kasi mahal na mahal ako ng mother ko bilang panganay. At mahal na mahal naman niya si JC bilang bunso.

Inabot ko sa akong mother ang pabango na request niya na Nina Ricci. Nag-glow ang kanyang mga mata at nakita ko ang nadama niyang ligaya.

Namimiss ko na ang luto ni mother. Pero higit sa lahat namiss ko siya. For the first time sa ilang beses ko na paglabas-labas sa bansa ay naghatid siya sa akin sa Airport noong February 9. Nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Pero alam ko masaya siya kasi sa pagalis kong iyon kasama ko ang apo nya at aking asawa.

Sana nababasa ito ni mother. Nais ko sabihin sa kanya at iparating na I LOVE HER SO MUCH. Kaya nga siya ang unang-unang featured dito sa blog ko kasi siya ang pinakaimportanteng tao sa buhay ko. Utang ko sa kanya ang aking buhay at habang buhay ako ay tatanawin kong malaking utang na loob iyon sa kanya.

Dalangin ko lang na bumalik ang dati nyang lakas at pahabain pa ng Diyos ang kanyang buhay upang mabigyan kami ng chance na makasama pa namin siya ng matagal at maipadama sa kanya ang aming pagmamahal sa aming mga ginagawa at ibinibigay sa kanya. Pero ang hirap suklian kasi sa gitng ng kanyang katandaan at nanghihinang katawan ay siya pa rin ang nagbibigay sa amin ng atensiyon at pagaasikasa araw-araw. Higit sa lahat nasabi nya na gabi-gabi ay pinagdarasal nya at ako at si JC at siyempre ang iba ko pang mga kapatid.

Sana ingatan ni Mama ang sarili niya. Wag gaanong magpapagod. Matulog ng tama sa oras. Iwasan ang mga bawal na pagkain. Miss na miss na namin siya lalo na ni GoYe at Yeira. Paguwi namin ipapasyal ko labas ng bansa promise ko yan.

Wag sana siya magalala ng labis kay JC. Uuwi din iyon. Mahal na mahal siya ni JC alam ko, kahit na malayo sa piling niya ang kapatid namin na ito.

Salamat nga pala sa Diyos  kasi  magkamukha ni Mama!

God bless my mother! I love her so much! mwah!

Mrs. Julita Mercado Olaguer ang name niya. Birthday niya ay September 4. Siya ang aming mahal na mahal na Ina... wala ng iba!  Siya ang instrumento ng Diyos para kami ay maranasan ang mabuhay sa mundong ito!

No comments:

CHOOSING THE PRESENT WORLD

2 Timothy 4:10 For Demas hath forsaken me, having loved this present world, and is departed unto Thessalonica; Crescens to Galatia, Titus...