
Ang bilis na lumilipas ang panahon. Ang panganay ko na anak na si Yeira ay 5 years old na samantalang ang bunso kong anak na si GoYe ay 2 Years and 2 Months old na.
Nakakatuwa ang dalawang batang ito. Si Yeira ay nagpabili sa akin ng rubber shoes na pang-P.E. daw niya. Siyempre maiingit si bunso kaya nagpabili naman siya ng tsinelas. Nagulat ako first tsinelas ni Goye iyon pero ng isuot niya ay parang ang tagal na niyang nagtsitsinelas at si Yeira ay tuwang-tuwa naman sa Nike shoes nya. Aba, gusto nya ay branded talaga. Mana sa tatay!
Ilang sapatos at tsinelas na nga ba ang aking naisuot simula ng ako ay mabuhay sa mundong ito? Di ko alam ang bilang.
Ilan din kaya ang isusuot ng dalawa kong anak? Nasa Diyos ang katugunan. Sapagkat ang Diyos ang may akda ng buhay.
Ilan din kaya ang isusuot ng dalawa kong anak? Nasa Diyos ang katugunan. Sapagkat ang Diyos ang may akda ng buhay.
No comments:
Post a Comment