Si Auntie Tepen...
Si Auntie Tepen ay kapatid ng Papa ko. Bale siya ang pangalawa sa bunso kasi ang Papa ko ang bunso. Siya na lamang ang natitira sa mga magkakapatid sa anim na magkakapatid.
Mahigit 70 taon na gulang na si Auntie Tepen. Pero malakas pa rin siya.
Malungkot ako kasi kung nasa Pilipinas ako ay di ko hahayan na nagiisa sa buhay si Auntie Tepen. Di naman siiya literal na nagiisa sapagkat kasama naman niya sa bahay sa Bulacan ang ilan sa mga apo niya.
Nagiisa siya sapagkat ang 2 niyang anak ay para bang inabandona na siya. Di ako sigurado pero sino bang anak ang makatitiis na malayo sa kanila ang kanilang Ina at di nila alam ang kalalalagayan nito kung maayos ba o hindi? Ang busong anak ni Auntie Tepen, ang pangatlo ay 2 taon nang pumanaw.
Sa tuwing uuwi ako sa Pilipinas lagi kong pinatatawag si Auntie tepen para naman makasama ko siya, makita at mabilhan ng gamot, maabutan kahit konting halaga (pera) at mabigyan kahit na konting groceries. Ayaw ko sana isulat ito dito kaso para naman malaman ng mga anak niya na dapat ay di nila pinababayaan ang kanilang ina. N
Bakit ba mahal na mahal ko si Auntie Tepen? Kasi siya lang naman ang nagpalaki sa akin. Di ko malilimutan ang mga magagandang karanasan at alaala ko sa piling ni Auntie Tepen noong nakatira pa kami sa Project 8 sa Quezon City.
Pinapanalangin ko ang kalusugan niya. Ang masustentohan ang pangangailangan niya. Magkasama sila ng mga anak niya at maalagan siya ng mga ito. Higit sa lahat sana maging mahaba pa ang buhay niya.
Kapag nagsettle down na ako sa Pilipinas ay titiyakin ko na sa bahay namin siya titira.
Aalagaan ko siya. Kakalingain. Ipadadama na may taong nagmamahal sa kanya. Kasi Auntie ko siya.
Katatapos nga lang pala ng birthday niya... May 19... Pareho pa na 19 ang birthday yun nga lang buwan ng Disyembre ako.
I love you Auntie Tepen. Ingat ka palagi. See you sa paguwi ko sa bakasyon ko. Isa ka sa malaking bahagi ng aking buhay!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
CHOOSING THE PRESENT WORLD
2 Timothy 4:10 For Demas hath forsaken me, having loved this present world, and is departed unto Thessalonica; Crescens to Galatia, Titus...

-
Napakasarap gunitain ang pagbubuklod ng PMMA Class 2003. Taon 2010 ng muling magpamalas ng pagkakaisa a...
-
2 Timothy 4:10 For Demas hath forsaken me, having loved this present world, and is departed unto Thessalonica; Crescens to Galatia, Titus...
2 comments:
you are invited to follow my blog
nagbblog ka rin pala kuya jeck...
anyway nagiisa na lang yang auntie natin na yan...lahat kasi ng mga kapatid nya wala na...
minsan silip ka din sa site ko acongtatsulok.blogspot.com
keep safe kuya jeck :)
Post a Comment