Malungkot daw ang buhay sa Gitnang Silangan. Pero para sa akin okay ang buhay dito. Walang polusyon. Mura at sariwa ang mga bilihin (isda, karne, at gulay). Kung imported goods ang paguusapan ay napakarami din. Walang krimen at napakasimple ng buhay. Walang sinehan. Walang mga beerhouse. Buti naman yon kasi di ko naman kailangan ang mga bagay na ito para mas sumaya ang buhay ko dito.
May hihigit pa ba sa kasiyahan kung kapiling mo ang iyong asawa at dalawang anak kahit pa sabihin natin na malayo kami sa aming mga kamaganak? Bukod pa sa maraming nagmamahal na kapatiran.
Simple lang talaga ang buhay dito. Beach, malling, pasyal sa Park, magshopping kapag may mga 70% sale (he he he) at magroadtrip sa mga bundok at mga disyerte kasama ng mga kaibigan. Kagaya nitong huli umakyat kami ng Taif at Al-Baha. Nakakapagod pero masaya at sulit sapagkat may nakatago palang paraiso dito sa Saudi Arabia. Narito ang ilan sa mga pictures na kuha namin:
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
CHOOSING THE PRESENT WORLD
2 Timothy 4:10 For Demas hath forsaken me, having loved this present world, and is departed unto Thessalonica; Crescens to Galatia, Titus...
-
Napakasarap gunitain ang pagbubuklod ng PMMA Class 2003. Taon 2010 ng muling magpamalas ng pagkakaisa a...
-
Mathematicians say LIFE is like a line segment drawn from point B to point D. What is point B to point D? It's from point ...
-
"Hello, Jeck? O ano kamusta? Magaling na ako wag ka na magalala sa akin. Uuwi ka pa ng March di ba? Kahit sinabi mo na di ka na maka...



No comments:
Post a Comment