Sabi nila masayahin daw ako. Madaling pakisamahan. Mapagbigay. Matulungin. Maawain. Mabuting kaibigan. Palaging nakikiramay. Mapanlibre. Pero hindi naman puro magagandang katangian lang aking taglay. Marami ding mga bagay na di maiibigan sa akin ng tao. Yung ibang pangit sa buhay ko ay napagtagumpayan ko na subalit ang iba ay naroon pa rin na aking pinaglalabanan at pinagsisikapan na baguhin sa biyaya ng Diyos. Marami pang dapat baguhin sa buhay ko. I am not there yet but I am getting there.
Maaaring di ka sangayon sa mga ibabahagi ko dito at maaaring para sa iyo ang mga ito ay kababawan lamang o walang kwenta at walang saysay. Pero ito ako. Mas makabubuti na ibahagi ko ito upang ako ay maunawaan ng mga taong nakakasalamuha ko araw-araw at para ako ay lubusang makilala din. After all I am a public figure pero hindi sa buong mundo -- sa karamihan lang. Mas mainam na ipakita ko kung ano ako kesa naman tago tapos magugulat pa ang tao na ganun pala ugali ko. Kung baga sa ano ay take it or leave it. Love me or hate me. It is entirely up to you. Pero sana you would focus on the good side of me. Kasi kapag sa bad side ka nagfocus sa akin you will be so much disappointed.
Ako ay kwarenta y otso taong gulang na. Pero at times ay parang teenager pa rin ako. Madalas nga na sabihin ko sa mga nagiinterview sa akin recently noong nagaaply ako ng trabaho "I am a young man trapped in old man's body". 48 years pero feeling young ha ha ha.
Ito ang mga bagay na napansin ko na madalas ay nakakapagpairita o nakapagpawala sa akin ng magandang mood o madalas ay ikinagagalit ko:
1. Kapag ang kausap ko ay walang reaksyon. Kapag di ko alam kung sangayon siya o hindi sa aming pinaguusapan pakiramdam ko nakikipagusap ako sa isang tuod. Pwede naman sumagot na di po ako sangayon sa sinasabi nyo. Pwede din naman na isagot na sangayon ako. Pwede din naman sabihin na pagiisipan ko po. At pwede naman sabihin na palagay ko di ko magagawa yan. Salamat po sa inyong suhestiyon. Sa bandang huli kasi ikaw pa rin ang magdedesisyon para sa sarili mo. Ang sa akin ay suhestiyon lamang. Walang pilitan.
2. Kapag tinutulugan ako habang nagmamaneho. Pakiramdam ko ako ay tsuper. Pero ang totoo niyan bahagi ng "ministry" ang aking pagmamaneho. Subalit ang taong sasama sa akin dapat di ako tutulugan. Mas gusto ko na siya ay palatanong. Mas gusto ko na naguusap kami tungkol sa ministry o anything under the sun. Kapag kasama kita sa pagmamaneho at ako ay tinulugan mo lamang ay bakit sumama ka pa?
3. Kapag ako ay tumawag sa phone dapat sagutin. Kung di masagot ay mag "return call". Kapag tinawagan kita ibig sabihin importante ka sa akin. Ibig sabihin din ay importante ang sasabihin ko. Hindi ako tatawag para makipagkwentuhan lamang. Di ko ugali ang mag "miss call", Kapag tumawag ako at di nasagot aasa ako na merong "return call" kahit delayed na ang return call maaapreciate ko yun. Applicable din ito sa messages sa FB, whatsapp o email.
4. Kapag may inutos ako maghihintay ako ng "feedback" sa lalong madaling panahon. Hindi naman kailangan agad-agad. Pero maghihintay ako ng resulta sa aking inuutos. Nagawa man o hindi, positibo man o negatibo dapat may feedback.
5. Hinahanap ko sa tao ang pagiging mapagpasalamat. Ako yung tipo na tao na gagawin ko ang lahat para sa iyo kahit mahirap, malaki man o maliit gagawin ko. Pero pagkatapos nais ko ay makatanggap ng "thank you". Bakit? Dahil nagpapaimportante ako? O pinagmamalaki ko ang ginawa ko na dapat iacknowledge mo? Hindi yan ang dahilan. Ang dahilan ay nais ko na ang tao mailagay sa puso niya ang maging mapagpapasalamat sa lahat ng bagay. Una sa Diyos at pangalawa sa kapwa. Ang paghahanap ko ng thank you mo ay di para sa akin kundi para sa iyo. Nais kong maging mapagpasalamat ka.
6. Magtanong kung di alam ang gagawin o kung di sigurado ay linawin. Ayaw ko na gagawin ang isang bagay tapos di naman sigurado kung tama ang ginagawa. Pwede naman magtanong sa akin kung di sigurado o kung di alam ang gagawin. Kesa naman gagawin ang isang bagay pero palpak naman.
7. Insensitive. Walang pakiramdam. Lumaki ako sa piling ng mga tao at kahalubilo sila. Natuto ako na pakiramdaman o maging sensitibo sa kalalagayan ng isang tao. Kaya nga madalas ay di pa nagsasabi sa akin ang isang tao ay alam ko na ang problema niya at kahit di siya magsalita ako ay gagawin ko na kung ano ang tama at makakatulong sa kanya kahit di niya hilingin. Dahil ganito ako ay nasasaktan ako ng husto kapag ang mga taong inaaakala kong malapit sa akin ay insensitibo sa aking kalalagayan.
8. Kuripot. Alam ko kung ang tao ay meron o wala. Pero kapag alam ko meron pero nagkukuripot lalo kapag kasama sa grupo tapos may gastos ay ayaw dumukot ay di ko naiibigan yan. Pero kapag alam ko na wala ang isang tao ako mismo ang sasagot sa kanya.
9. Mapagpamahal daw o concern.. Di ako naniniwala na ang tao ay nagmamahal o concern kapag ito ay di pinapakita sa gawa, aksyon o salita. Walang saysay para sa akin ang pagmamahal na di nakikita sa gawa o salita.
10. View lang. Kapag may announcement o post na napakahalaga o importante pakiramdam ko ang isang tao ay walang concern o walang pakialam kapag view lang siya. Di ko tatanggapin na kaisa siya sa panalangin (kung prayer request ang post) kung view lang siya walang like o comment.
11. Kapag nagkamali magsorry kaaagad o humingi ng tawad. Lahat naman tayo ay di perpekto. Magkakamali at magkakasala pero dapat madali din himingi ng sorry, tawad at willing din at madaling din magpatawad. Di ko naiibigan kapag ang tao na nagkamali ay di agad-agad na aamin sa pagkakamali at hihingi ng paumanhin o tawad. Tanggap ko naman na di perpekto ang tao pero dapat mabilis siya sa pagkilala ng kanyang pagkakamali at humingi kagad ng tawad o paumahin.
12. Personal over material. Mas nais ko ang personal na bati sa email, tawag, o card, o text kesa sa mga regalo na material. Ito ay kapag kaarawan ko. In fact ayaw ko naman ng selebrasyon. Kahit wala yan. Ang mahalaga ay nabati ng personal. Mas gusto ko kasi ang ako ang magbigay kesa sa ako ang bigyan.
13. Sinungaling. Kapatid nang magnanakaw ang sinungaling. At ang ama ng sinungaling ay ang Diyablo. Maraming problema sa mundo dahil sa pagsisinungaling. Maraming nasirang relasyon dahil sa pagsisinungaling. Maraming tao ay lugmok sa problema dahil sa kasingungalingan. Maraming tao iniiwasan ng tao dahil sa kasinungalingan. Ako ay may kakayanan na alamin kung nagsisinungaling ang tao o hindi. Hindi ko man ito mabuking kagad pero malalaman at malalaman ko kung ang isang tao ay nagsinungaling o hindi. Walang kapayapaan sa isip at puso ng isang tao na sinungaling. At kung di siya Kristiano ay sa impiyerno ang bagsak ng taong sinungaling. Nasa pang-13 ang punto na ito pero sa lahat dito kumukulo ang aking dugo. Para sa akin ang PALUSOT ay mas masahol pa sa sinungaling. Totoo.
Alam ko aani ng iba't ibang reaksyon ang pagsulat ko nito. Negatibo man o positibo okay lang yan. Ang mahalaga pinapakita ko kung ano ang ayaw ko. Di mo magawa yan maiinis ako pero let me tell you this: MABILIS MAWALA ang aking PAGKAINIS. Kapag di na kita kinikibo ng isang buwan ay ibig sabihin malaki ang problema ko sa iyo he he. O wag magalit sa aking post na ito. Blog ko ito. Ito ay personal kong paniniwala. Iginagalang ko rin ang personal mong paniniwala. Sa dulo naman ang nais natin ay maging maganda ang ating relayson. Maaarming mali ako pero kapag ako naman ang nagkamali makakaasa ako agad agad ako ang hihingi ng paumanhin o patawad.
Blessings be unto you!
Tuesday, January 16, 2018
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
CHOOSING THE PRESENT WORLD
2 Timothy 4:10 For Demas hath forsaken me, having loved this present world, and is departed unto Thessalonica; Crescens to Galatia, Titus...

-
Napakasarap gunitain ang pagbubuklod ng PMMA Class 2003. Taon 2010 ng muling magpamalas ng pagkakaisa a...
-
2 Timothy 4:10 For Demas hath forsaken me, having loved this present world, and is departed unto Thessalonica; Crescens to Galatia, Titus...
No comments:
Post a Comment