Sunday, January 7, 2018

PAGMULAT AT PAGBABAGO



Katatagan.  Katapangan.  Pananampalataya.  Pagtitiwala.  Pagpapakumbaba.  Panguunawa.  Lahat ng yan ay sinusubok.  Kailangan pagdaan ang lahat upang suriin ang sarili at halughugin ang kaibuturan ng puso.  Pagkatapos ay magsisi --humingi ng tawad.  Punuuan ang pagkukulang.  Itama ang mali.  Matuto.

Para sa ikabubuti ang lahat.  Ito rin ay magpapamulat sa katotohanan.  Ibinababa kung minsan upang sa pagkakababa si Kristo ay itaas.  Minsan kailangan pang hubadan upang muli ay saplutan.  Saplot na puti, malinis, dalisay.  Lahat ay kinuha upang ibalik ng mas madami. 

Akuin ang responsibilidad. Tanggapin at harapin ang hamon.  Magtatagumpay.  Bukas ang puso.  Susunod.  Magpapasakop.  Luluhod.  Pipikit.  Pagmulat tatayo.  Bagong tao.  Sa Diyos ang kapurihan sa dulo.

"At hindi lamang gayon, kundi naman nangagagalak tayo sa ating mga kapighatian na nalalamang ang kapighatian ay gumagawa ng katiyagaan; At ang katiyagaan, ng pagpapatunay; at ang pagpapatunay, ng pagasa: At ang pagasa ay hindi humihiya; sapagka't ang pagibig ng Dios ay nabubuhos sa ating mga puso sa pamamagitan ng Espiritu Santo na ibinigay sa atin."  - Mga Taga-Roma 5:3-5

No comments:

CHOOSING THE PRESENT WORLD

2 Timothy 4:10 For Demas hath forsaken me, having loved this present world, and is departed unto Thessalonica; Crescens to Galatia, Titus...